haburrdey

ok. reality check.

dalawang dekada na kong namumuhay sa mundong ‘to. anong ibig sabihin non? wala naman mashado, pero madami lang akong narealize ngayong araw ng aking kapanganakan.

ilista natin :

UNA, wala na ko sa teenage years, in short ganap na akong ( hate to say this) ADULT.

may perks, pwede na kong umuwi ng umaga (LOL), magdecide ng sarili ko lang, at kung ano ano pang ADULT stuff😉.

pero may ibang mukha din ang pagiging ADULT. mas may responsibilidad na ako, mas aasahan na dapat ako, at kung ano ano pang ADULT stuff😉.

owell, kaya ko yan, bente anyos na ko e.

PAANGALAWA, pag birthday mo, parang lahat ng taong kakilala mo, parang obliado dapat silang batiin ka, ganun ang feeling pag kaarawan mo, sure ako dun. kanina lang nafeel ko yun e. pero mas maganda kung di ka mag eexpect, kasi di ka madidisappoint sa mga di bumati sayo, at mas masarap ang pakiramdam kung masusurpresa ka.

PANGATLO, apat na taon na kong nagbibirthday sa pamantasang aking pinapasukan (nosebleed), at ngayon lang ulit pumasok sa kukote ko na sa UST Hospital nga pala ako iniluwal. nakakatuwa lamang isipin na pinagdiriwang ko ang birthday ko kung saan mismo ako pinanganak.

PANGAPAT, ang galing din kasi ng TIMING, inubos ko ang halos buong birthday day ko sa tapat ng computer, nag lelayout, at pumasok na ako ng escuela ng 5pm. sa isip ko non, walang kwentang araw, ang bumabati pa lang sakin ang personal mga tao sa bahay, puro sms, YM at post sa facebook wall ang nakikita ko. pagdating ko ng school, binati agad ako ng mga kabarkada ng HAPPY BIRTHDAY! dun ko na realize na mas may feelings ang pagbati (o kahit ano mang mensahe) kung personal mo itong sasabihin, keysa sa text or IM lang.

PANLIMA, wala nang panlima, antok na ako.

P1140615

ayun, salamat sa lahat ng di nakalimot, at binati ako ngayong ika-20 kong taon.

mabuhay kayo!

2 Comments

Filed under Uncategorized

2 responses to “haburrdey

  1. gem

    ADULT stuff. HAHAHAHHAHA. okay, im bad.

    aw.sorry sa facebook lang kita nabati. happy birthday!🙂 sarap maging 20, mararamdaman mong nakakaangat ka.HAHAHAHHA.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s