registered voter

830506870_a5bbd1ba3e

Ngayong araw na ito, tatlong araw bago ang araw ng kalayaan, ako ay isa nang ganap na Pilipino. Ako ay isa nang rehistradong botante.

Kasama ang aking kakosa na si Cheilo, tinahak namin ang daan patungong munisipyo para mag parehistro. Hindi namin sukat-akalain na makikita namin ang isa naming kamag-aral noong hayskul, si Erec. Magpaparehistro din siya. Madali lang magparehistro, ang kailangan lang ay isang valid ID, at isa pang kopya nito. Matapos noo’y sundan mo na lang ang mga hakbang na nakapaskil sa kung saan man. Nakakatuwa dahil moderno na ang kalakaran sa pagboto sa Pilipinas. Mayroon na sila nung tinatawag na biometric scanner at digital na din ang pagkuha ng litrato. Mabilis at maayos ang kalakaran sa pagpaparehistro at walang masyadong abala. Ang pinakanakakatuwa ay walang mga fixer o kung ano man ang tawag sa mga kurakot sa loob ng munisipyo.

Matapos noo’y umalis na kami ng munisipyo na may mga ngiti sa aming labi. Ramdam ko na ako’y isang ganap nang mamamayan ng aking bansa. Maari ko nang gamitin ang bagong responsibilidad kong ito sa ikauunlad ng aking bayan. Dito ko ipapakita ang tunay na boses ng kabataan, hindi sa pag-iingay sa kalsada na wala namang may alam kung mayroong nakikinig.(mali ito. hindi ko naisip ang mga matatapang na taong nagmartsa sa kalsada para makapagblog ako ng mga ganito. Hindi ko naisip na sila ang mas may lakas ng loob, kaysa sa akin, na ipahayag ang kanilang saloobin.) Dito ko ipapakita ang tunay na People Power.

Mabuhay ang bansang Pilipinas!

(matapos ang aming pagpaparehistro, dali-dali kaming nagpunta sa pinoy na pinoy na kainan, sa Mcdo. teehee.)

translations to follow🙂

image from here

7 Comments

Filed under Uncategorized

7 responses to “registered voter

  1. gem

    hindi sa pag-iingay sa kalsada na wala namang may alam kung mayroong nakikinig

    OKAY FINE.NAPAKAGALING MONG PILIPINO.

  2. Ann

    may voter’s ID ka na? ako la pa pero registered nako last year pa.

Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s